Wednesday, July 21, 2004 10:37 p.m. Salumpwet
As I said earlier, College of Science Foundation week kaya one week rin kaming walang klase. One week of butt-kissing and messing and fooling around. Buti na lang nandyan ang condo unit ni Paul sa GSIS na nagsisilbing tambayan.Sarap ngang magMiko Sotto sa may bintana nila na inuupuan lang namin lalo na pag piniplay nila yun Cd ng Corrs at naririnig kong muli ang "And I'll be at your side, There's no need to worry. Together we'll survive, through the haste and hurry.."Para bang bumabalik ako dun sa gym, nakatayo, nagsesway ng body.
Ok, tama na ang drama, tunatayo ang balahibo ko.
Neweyz, may kinaiinisan akong professor, di naman as in inis. MAsyado kasing defensive sa BSMtah niyang students. Tight kasi ang competition sa aming college. Lagi niyang kinokontra ang mga sagot ko nung elimination sa kadahilanang ako'y nabibilang sa BSPhysics(Straight Tagalog yun!). Magpapatalo ba naman ang isang parsci student?! But then again, I understand naman. I have to.
BAkit lahat ng BG taken na? Oist, hindi ako yung klase ng gal na nagpapantasya. Walang lugar sa pagmumuni-muni ko yan.
I still believe na I'm more of LAnguage and arts than math and science. Pero bakit BSPhysics ang kinuha ko? Itanong ko kaya sa buwan? (*falter,falter,still*) Pero kailangan ko na yatang panindigan at unti-unti na rin akong nag-eenjoy. I'ts good to "know a little of everything." Again, I have to (enjoy BSP).
Halos mabutas ang salumpwet sa walang humpay na pag-upo ko kaninang umaga dahil walang ginagawa. Wala..wala..
Tuesday, July 20, 2004 10:03 p.m. Lumpiang Baboy
TRIVIA MUNA PARE: Ang title ng kanta na binan noon dahil ang mga taong nakakarinig nito ay nagpapakamatay ay, GLOOMY SUNDAY.
Hindi po MY WAY.
Medyo late na pero sa taong di kayang matulog ng maaga, at walang magawa, ok pa ring pagtripan ang computer. Ano pa nga ba ang latest(hindi naman masyado) o yun bang common sa marami kong kakilala bukod sa Angelo Dela Cruz event kundi ang college life?
Ahem, grabe, kung nanonood kayo ng magandang umaga bayan, at medyo keen ang observation niyo ay siguro nakita niyo ako dun! Ininterview yung classmate ko, sayang nga, muntik nang ako yung interviewhin, umurong kasi ako. Kung nagkataon, kakaririn ko sana ang pagbola kay Winnie Cordero. Ha? Anong ginawa ko? Wala. Tumayo lang. Di naman ako kumaway-kaway..like..duh!BAsta, I was right behind the interviewee...........Anyway who cares?
Kanina ang isa sa mga panahon kung saan ipinapagpasalamat ko ang magandang educational foundation na natanggap ko sa parsci kasi...nanalo ako sa General Statistics Quiz Bee. Kalaban ko ay mga estranghero sa college of science (pag freshie talaga ang liit ng mundo natin!) Imagine, Statistics!!!! Tinititigan ko lang ang mga test dun dati. Ang mga tanong mga pala ay medyo ang dating eh, pamilyar na parang ang hirap halukayin sa kautakan. Pero nakeri naman. Mga no relationship, moderate relationship, strong relationship sa correlation coefficient, regression analysis..blah, blah, blah.
Kateam ko yung genius ng BSPhysics sa General Science. Siyempre, kwentu-kwentuhan, echeng. Nakakatakot. Biruin mo ba naman nung batch niya first time na nanalo ang BSPHYSICS sa General Math (siyang yung lumaban). PAgkatapos nagwalk-out lahat ng BSMath pati teachers. Kasi GENERAL MATH yun and their supposed to be the most knowledgeable about that. And they've always won in that category. Lupet!Tapos hinakot rin niya yung sa University Level. Ngayon third year siya pero kasali na siya sa committee pag may contests. Quiz master pa siya sa General Information. Hay, masaya na rin yung naeexpose ka at may contact ka sa mga ganung tao. Dba po?
MAsarap na nakakasuka ang lumpiang baboy...
Sunday, July 18, 2004 10:21 p.m. kailangan ba talaga to?
uhmmm..college of science foundation week..fill u in with details later...